top of page

PLOP! CLICK


Si Koto ay amo ni Kikuichi. Sila ay parehas na bulag. Isang araw naisipan ni koto na mamasyal at uminum ng sake. Ang Sake ay inumin o alak ng mga hapon na gawa sa bigas. Naghanda sa pamamasyal sila Koto at Kikuichi, gusto ni Koto na pumunta sa kapatagan sapagkat lumalawak daw ang kanyang puso at nakakapagpagaan daw ito ng loob niya. Habang naglalakad ay nag-uusap sila tungkol sa Heiki. Ito ay isang pampantikang epiko. Sabi ni koto kay Kikuichi ay kapag naitalaga daw siya bilang isang kengyo ay gagawin daw niyang Koto si Kikuichi. Maya-maya ay nakarinig sila ng rumaragasang tubig at siguro ito’y isang dagat. Kailangan nilang tumawid sa kabilang pampang. Naghagis sila ng bato. Ang unang bato ay tumunog ng “Plop!” Ibig sabihin ay malalim ito. Sa kabilang banda naman ay “Click!” na ibig sabihin ay mababaw lang doon. May nagdaan at nakita ang dalawang bulag. Sabi ni Kikuichi ay bubuhatin niya na lang daw si Koto. Noong una ay hindi pumayag si Koto pero sa huli ay pumayag na din ito. Nang pasahin na ni Kikuichi si Koto ay ang taong nagdaraan ang siyang sumakay at siya ang napasan ni Kikuichi. Nang makarating na sila ng pampang at hinahanap ni Koto si Kikuichi at tinanong kung bakit hindi pa daw niya pinapasan ito. Nagalit si Koto ngunit siya ay natalisod at sila ay nabasa. Nang nasa pampang na sila ay naisip ni Koto na uminom na lamang ng sake. At maging pangalawang lagay. Nagalit na si Koto kay Kikuichi dahil naubos na ang sake. Pinag-away ng nagdaraan ang dalawa, at sinaktan ito upang magkagalit sila. Sa huli ay nag-away ang dalawa a walang kamalay-malay na sila ay pinag-away lamang.


Featured Review
Tag Cloud
bottom of page